Pagpapa-test sa mga manggagawa, dapat sagutin ng employers – DOLE

Pagpapa-test sa mga manggagawa, dapat sagutin ng employers – DOLE

May 24, 2020 @ 11:00 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Kailangang sagutin ng employers na magre-require sa kanilang mga manggagawa na masuri sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang bayad para dito, ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III.

Ani Bello, magiging responsibilidad ng mga pribadong kumpanya na bayaran ang testing ng kanilang mga manggagawa.

“If they will require their employees to be tested before they can report for work, then they have to shoulder (the) expense for the testing,” aniya sa Laging Handa briefing.

Subalit hindi anila pipilitin ang mga employer na gumastos para sa testing.

“We cannot force them (employers) but if they want their employees to be tested before they (employees) will be allowed to report to work, they have to pay for their testing,” saad nito.

Nang tanungin kung maaaring gamitin ng mga empleyado ang kanilang vacation leave para sa hindi pagpasok, sinabi ng kalihim na “They may do so if they still have leave credits, but they already used them up, the no work, no pay will apply.”

Sa kabilang banda, inabisuhan nito ang mga manggagawa na alagaan ang kanilang mga rabaho.

“If they treasure their work, I’m sure employers will also treasure their partnership with our workers during this time of difficulties. They should also try to understand the situation of employers,”aniya.

Hinimok din niya ang mga empleyado na kausapin ang kanilang mga employer kung may mga paraan upang mabawasan ang impact ng coronavirus disease pandemic.

“If there are arrangements to ease the effect of the situation, both should decide for the benefit of all concerned,” ani Bello. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...