Home NATIONWIDE Pagpapabilis ng kaso ng ‘erring foreigners’ bubusisiin ng DOJ, BI

Pagpapabilis ng kaso ng ‘erring foreigners’ bubusisiin ng DOJ, BI

116
0

MANILA, PHilippines- Handa ang Bureau of Immigration (BI) na makipagpulong sa Department of Justice (DOJ) para talakayin ang mga panukala kung paano mapabibilis ang mga kasong kinahaharap ng mga dayuhan bago sa mga korte ng bansa.

Sinabi nji Immigration Commissioner Norman Tansingco nitong Huwebes na makatutulong ang mga aksyon na ito para paluwagin ang kanilang holding facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Iniulat ng BI na may kapasidad ang pasilidad na 140 wards, subalit kasalukuyang may hawak na 300 deportees.

Kasunod ito ng deportasyon ng apat na Japanese nationals na itinuturong sangkot sa kontrobersyal na  “Luffy” case sa Japan.

Kabilang sa kanila si”Luffy” na umano’y utak ng gangna responsable sa serye ng marahas na pagnanakaw sa Japan habang nasa loob ng BI facility sa pamamagitan ng mobile phones.

Na-deport na rins ina Tomonobu Saito, 45, at Yuki Watanabe, 38, nitong Miyerkules sakay ng Japan Airlines flight patungong Tokyo.

“Yesterday (Wednesday), we received confirmation that the local cases of the two remaining suspects have been dismissed by the courts. This means there is no more legal impediment for us to implement their deportation. We thank the Department of Justice (DOJ) for their continued assistance in expediting the resolution of the local cases of these deportees, so we can finally send them back for them to face their crimes,” pahayag ng BI chief.

Nito namang Martes, dalawa pang puganteng Japanese na kinilalang si Fujita Toshiya at Imamura Kiyoto, kapwa 38-anyos, ang pinauwi na sa Tokyo sakay ng Japan Airlines flight.

Lahat sila ay na-deport sa pagiging undesirable aliens dahil sa kanilang estado na wanted fugitives.

“Luffy has finally been deported. We wish to also thank the Japanese government for their cooperation in our efforts to expedite their return,” ani Tansingco.

Sa kasalukuyan ay kasama na ang apat sa blacklist ng BI. RNT/SA

Previous articlePagpapadala ng rescue team, tulong sa quake-hit Syria, sinisilip ng PH gov’t
Next articleLabor inspection sa mga private establishment, muling umarangkada