Home NATIONWIDE Pagpapabuti sa health facilities popondohan ng P28.58B sa 2024 budget – DBM

Pagpapabuti sa health facilities popondohan ng P28.58B sa 2024 budget – DBM

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng mas mataas na pondo ang Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng pamahalaan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA), ayon sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Sa pahayag, sinabi ng DBM na tinaasan sa P28.58 billion ang budget allocation ng HFEP ngayong taon mula sa P26.81 billion noong 2023.

Mas mataas din ng 6.6% ang year-on-year amount kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa DBM, ang badyet ng HFEP ay gagamitin sa konstruksyon, upgrade, at expansion ng government healthcare facilities sa buong bansa.

Sinabi ng DBM na isasaprayoridad ng HFEP ang Universal Health Care (UHC) sites at Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS), kasama ang pag-upgrade sa essential facilities sa mabilis na pagtugon sa COVID-19 at iba pang darating na public health emergencies.

“Patunay lang po ‘yan na talagang seryoso po ang ating gobyerno na pagbutihin ang health services sa bansa. As the President said in his last SONA, we are increasing our public health facilities both in number and in capability. And so, we will ensure that this program will get a much-needed support,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Ang patuloy na suporta sa programa ay bahagi ng “Bagong Pilipinas” ng kasalukuyang administrasyon na layong bigyan ng dekalidad na primary health care ang mga Filipino. RNT/JGC

Previous articleBulalacao, Oriental Mindoro inilagay sa state of calamity sa El Niño
Next articleJules Graeser, pasok sa Chime TV!