Home NATIONWIDE Pagpapadala ng special envoy sa Tsina isinulong sa Kamara

Pagpapadala ng special envoy sa Tsina isinulong sa Kamara

Manila, Philippines – Iminungkahi ng ilang mambabatas na magpadala ang Pilipinas ng kinatawan sa China upang matalakay ang lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

“To diffuse the diplomatic and military tensions with China, I suggest the sending of a special envoy to talk with ministers and officials of China’s foreign affairs, the military, and the coast guard,” sinabi ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores.

Ayon sa mambabatas ang pagpupulong ay maaaring isagawa sa alinmang bansa sa Asya gaya ng Thailand, Cambodia, o sa Laos.

Pangunahing layunin nito ang mapigil ang agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard at militia ships at upang mapag-usapan din ng magkabilang panig ang ukol sa “fisheries and marine life agreement.” Meliza Maluntag