Pagpapadala sa 40 doktor sa Cebu mula W. Visayas, sinuspinde ng DOH Region 6

Pagpapadala sa 40 doktor sa Cebu mula W. Visayas, sinuspinde ng DOH Region 6

June 29, 2020 @ 6:14 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Sinuspinde ng Department of Health sa Western Visayas (DOH) ang kontrobersyal na plano na magpadala ng 40 rural doctors mula sa rehiyon patungong Cebu City sa gitna ng mga protesta.

Ayon sa DOH regional officials sa pangunguna ng kanilang direktor na si Dr. Marlyn Convocar, napuna ang pagtatalagang ito hanggang sa mapag-usapan ang “issues and concerns” ng mga apektadong doktor at municipal health officers.

Balak ng DOH na magpadala ang apat na batch kung saan 10 kada isa ang mga doktor nito mula Hunyo 30 hanggang Setyembre 15 kasama ang 14-day quarantine periods.

Nasa ilalim ng Doctors To The Barrios (DTTB) Post Residency Development Program ang 40 mga doktor.

Ngunit tinawag na “abrupt” at “exploitative” ng Batch 36 (Alab) at 37 (Mandala) ang kautusang ito ng DOH.

Nagpo-protesta rin ang Iloilo Association of Municipal Health Officers Inc., na binubuo ng 44 municipal at city health officers sa Iloilo, ang pagtatalaga ng DTTB physicians sa Cebu City.

“The different municipalities of Iloilo are also responding to the COVID-19 pandemic and currently doing all their efforts to prevent the spread of the communities,” ayon sa pahayag ng Iloilo health officers.

“The DTTBs…are already essential part of the public health system responding to the COVID-19 crisis,” ayon sa grupo. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...