Home NATIONWIDE Pagpapahusay ng educ system sa Pinas tiniyak ni VP Sara

Pagpapahusay ng educ system sa Pinas tiniyak ni VP Sara

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Vice President Sara Z. Duterte  ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas, makikita ito sa kamakailan lamang na resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, na  tinutugunan ng  Department of Education (DepEd).

Sa kanyang video message sa idinaos na PISA 2022 National Forum, araw ng Miyerkules sa Bulwagan ng Karunungan ng DepEd Central Office sa  asig City, sinabi ni VP Sara na ang resulta ng international assessment ay nakapagbigay sa kanila ng “valuable insights” ukol sa lakas at kahinaan ng education system sa bansa.

“We have introduced the MATATAG Curriculum, implemented the national reading, math, and science programs, initiated the Catch-up Fridays for learners and teachers, expanded the teacher career progression, pushed for transparent educational programs and practices, and started digitalization among our schools,” ayon pa rin kay VP Sara na Kalihim din ng DepEd.

Nanawagan naman ito sa lahat ng stakeholders na makiisa sa  DepEd sa pagtugon sa mga usapin na may kinalaman sa pag-aaral ng mga batang Pilipino.

“We still need your support. We need every stakeholder to join us in this journey moving forward. We may approach the solution differently, but we all agree on the destination. Everyone’s efforts are counted and everyone is accountable for our children’s future,” ayon kay VP Sara.

“I call on everyone to pull our efforts together for a more resilient MATATAG education system, an education system that aims to improve learning outcomes, prioritize student and teacher well-being, and promote accountability to close remaining disparities,” aniya pa rin.

Sa mga nakalipas na kalatas, inamin ni VP Sara na hindi na umaasa pa ang DepEd na makatatanggap ng magandang resulta mula sa PISA 2022.

Isa ang PISA sa “assessments by the Organisation for Economic Co-operation and Development which measures 15-year-olds’ ability to use their reading, mathematics and science knowledge and skills to meet real-life challenges.”

Kalahok ang Pilipinas sa international system assessment simula pa noong  2018.

“The PISA 2022, which focused on mathematics, was participated by 7,193 learners from 188 schools in 16 regions of the country just right after the height of the Covid-19 (coronavirus disease 2019) pandemic,” ayon sa ulat.

Nasa ika-anim na pwesto mula sa pinakamababa ang Pilipinas sa matematika at pagbasa at pangatlo naman sa pinakamababa sa agham mula 81 nagpartisipang bansa. Kris Jose

Previous articlePAF nag-deploy ng rescuers sa Piper plane crash site sa Isabela
Next articleLotto Draw Result as of | December 7, 2023