Home HOME BANNER STORY Pagpapalabas ng P14B pensyon ng military retirees oks na sa DBM

Pagpapalabas ng P14B pensyon ng military retirees oks na sa DBM

MANILA, Philippines- Lusot na sa Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P14.046 bilyon upang saklawin ang regular pension requirements ng military retirees para sa Hulyo hanggang Setyembre 2024.

Inaprubhan ni Budget Secretary Pangandaman ang hiling ng Department of National Defense – Armed Forces of the Philippines na paglalabas ng pondo noong Hunyo 14, ayon sa DBM nitong Linggo.

Sinabi ni Pangandaman na ipinakikita nito ang dedikasyon ng pamahalaan na bigyang-pugay ang serbisyo at sakripisyo ng mga sundalong Pilipino.

Nakatakdang mabenipisyuhan ng pondo ang 139,172 pensioners, kabilang ang requirements para sa resumption, transfer at restoration ng pension ng military retirees at kanilang legal beneficiaries.

Kukuhanin ang pondo mula sa Pension and Gratuity Fund sa ilalim ng Fiscal Year 2024 General Appropriations Act. RNT/SA