Home NATIONWIDE Pagpapalabas ng P3B dagdag na pondo para sa AICS program ng DSWD...

Pagpapalabas ng P3B dagdag na pondo para sa AICS program ng DSWD oks sa DBM

MANILA, Philippines- Upang patuloy na mabigyan ng tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) at kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA) nito noong ika-16 ng Nobyembre 2023.

“In adherence with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive, we will continue to strengthen social protection measures for our kababayans, especially the marginalized and vulnerable sectors. Alam at naiintindihan po namin na malaking tulong po ang programang ito sa mga kababayan nating nangangailangan,” ayon kay Secretary Pangandaman.

Isa ang AICS sa mga mahahalagang serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food, at financial assistance para sa iba pang serbisyo at pangangailangan ng isang indibidwal o pamilya.

Ang pagpapalabas ng karagdagang pondo ay nakaangkla sa special provision ng 2023 General Appropriations Act (GAA) na nagsasaad ng paggamit Unprogrammed Appropriations (UA). Ayon sa nasabing special provision, may nakalaang pondo na maaaring gamitin para bigyang suporta ang infrastructure projects at social programs, kabilang na ang pagbibigay ng financial assistance sa mga indibidwal o pamilyang nangangailangan.

Batay sa Special Provision No. 1 ng UA, ang halaga na nakapaloob dito ay maaari lamang magamit kapag may bago o sobrang revenue collections.

Sa kasalukuyan, ang available excess revenue sa ilalim ng UA na nakalaan sa nasabing programa sa ilalim ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances ng DSWD ay nasa P3 bilyon. Kris Jose

Previous article2 Israeli-made attack boats dumating na sa Pinas
Next articlePsychological first aid alok ng PH Red Cross sa mga Pinoy sa Israel, Gaza