MANILA, Philippines – Nakikita ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan na palakasin ang industriya ng halal sa bansa.
Ito ay upang makahikayat umano ng mas marami pang mga turista ang Pilipinas.
Sa pahayag ng Office of the Vice President, sumasang-ayon si Duterte na palakasin ang halal industry upang matugunan ang pangangailangan ng mga Muslim at iba pang dayuhang turista.
Ang Halal ay ang mga pagkain at produkto na pinapayagan sa ilalim ng batas ng Islam.
Nitong Huwebes, Mayo 18 ay nagkaroon ng magkahiwalay na courtesy call sina Malaysian Ambassador Abdul Malik Melvin Castelino at Brunei Darussalam Ambassador Megawati Manan kay Duterte, at sinabi ng mga ito na ang pagpapalakas sa halal industry sa Pilipinas ay mas magtutulak para maging Muslim friendly ang bansa.
Advertisement