
MANILA, Philippines- Tutol ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa plano ng economic team ng gobyerno na palawigin pa ang reduced import duties sa iba’t ibang bilihin.
Sinabi ni SINAG executive director Jayson Cainglet na halos “three years since the first Executive Order was signed by then President [Rodrigo] Duterte that lowered the tariffs on rice, meat, and corn; the reverse has actually happened.”
Inihayag ito ng SINAG matapos sabihin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na binubusisi ng economic team ang posibilidad ng pagpapalawig sa EO sa reduced tariff rates para sa imports ng ilang bilihin.
Nilagdaan noong December 29, 2022, ipinalabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 10, na pinalawig hanggang December 31, 2023 ang reduced tariff rates sa mga sumusunod na bilihin:
-
Karne ng baboy, fresh, chilled, o frozen sa 15% (in-quota) at 25% (out-quota)
-
Mais sa 5% (in-quota) at 15% (out-quota)
-
Bigas sa 35% (in-quota at out-quota)
-
Coal