Home NATIONWIDE Pagpapalawig ng prangkisa ng lumang dyip siniguro ng LTFRB

Pagpapalawig ng prangkisa ng lumang dyip siniguro ng LTFRB

81
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na malapit nang ilabas ang memo nito hinggil sa pagpapalawig ng mga lumang prangkisa ng mga tradisyunal na public utility jeepney sa buong bansa.

Sa press briefing sa tanggapan ng LTFRB, sinabi ni LTFRB technical division chief Joel Bolano na pinag-aaralan na ang eksaktong parameter ng extension.

“We will just wait for the final date up to when the extension of their authority to operate will be. This will be part of the new memorandum circular that we will issue very soon,” ani Bolano.

Nabatid na ang mga prangkisa ng libu-libong tradisyunal na jeepney ay nakatakdang magwakas sa Marso at Abril bilang bahagi ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng gobyerno, ngunit inaprubahan ng LTFRB ang extension.

Kaugnay nito nanawagan siya sa mga natitirang tradisyunal na jeepney drivers at operators na sumali sa PUVMP sa pamamagitan ng paglikha ng transport cooperative o korporasyon sa tulong ng Office of Transport Cooperatives.

“Aside from that, we also have the Project Management Office that is focused on the PUVMP. Its objective is to assist and guide stakeholders for the requirements and processes of consolidation,” ani Bolano.

Ang layunin ng PUVMP ay hindi i-phase out ang mga tradisyunal na jeepney kundi ang gawing moderno ang sistema ng transportasyon at i-upgrade ang mga unit upang sumunod sa mga pamantayan sa kapaligiran at kaligtasan, dagdag niya.

Samantala sinabi ni LTFRB chair Teofilo Guadiz III na 60 porsyento pa lamang ng target na bilang ng mga sasakyan para sa modernisasyon ang nakasunod sa mga kinakailangan sa ngayon. Santi Celario

Previous articleSam, aminadong si Catriona na ang pakakasalan!
Next articleVice, ‘binalahura’ ang ina!