Home NATIONWIDE Pagpapalaya sa 18 marinerong Pinoy, muling hiniling ng Pinas sa Iran

Pagpapalaya sa 18 marinerong Pinoy, muling hiniling ng Pinas sa Iran

MANILA, Philippines – MULING inulit ng gobyerno ng Pilipinas ang kahilingan nito sa Iran na palayain ang 18 OFWs na lulan ng isang American tanker na St. Nicolas na kinumpiska ng Iran sa Gulf of Oman.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, umapela na siya kay Iran First Vice President Mohammad Mokhber hinggil sa bagay na ito.

“I likewise asked for the release of the 18 PH seafarers currently aboard the detained ST Nikolas, and requested that Iran continue to grant consular access to our Embassy in Tehran, and allow regular contact between the seafarers and their families back home,” ayon kay Manalo sa social media post.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na ang Philippine embassy officials sa Iran ay may oportunidad na bisitahin ang mga Filipino.

Tiniyak naman ni De Vega sa publiko na ang lahat ng mga ito ay gumagawa ng mabuti at wala namang indikasyon na sinaktan o minaltrato ang mga Pinoy na sakay ng barko, subalit sa ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na official report mula sa embahada sa Tehran kung ano ang tunay na kalagayan ng mga Pinoy doon.

Idinagdag pa nito na ang lahat ng 18 ay may ugnayan sa kanilang pamilya at patuloy na nakatatanggap ng kanilang sahod.

Nakipagpulong naman si Manalo sa Iranian official sa sidelines ng Non-Aligned Movement (NAM) summit, kung saan pinag-usapan ng mga ito ang geopolitical issues, at maging ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino seafarers.

Samantala, nanawagan rin ang Estados Unidos sa Iran na kaagad palayain ang mga sakay nito at payagang makaaalis ang barko. Kris Jose

Previous articleTask Force El Niño muling binuhay
Next articleBulkang Bulusan niyanig ng 91 na lindol