Home NATIONWIDE Pagpapalaya sa Gaza hostages kasado mula Biyernes

Pagpapalaya sa Gaza hostages kasado mula Biyernes

GAZA/JERUSALEM- Hindi magaganap ang pagpapalaya sa mga bihag sa ilalim ng temporary truce sa pagitan ng Israel at Hamas militants bago mag-Biyernes, ayon sa national security adviser ng Israel nitong Miyerkules ng gabi.

Nagkasundo ang Israel at Hamas nitong Miyerkules na pairalin ang ceasefire sa Gaza sa loob ng hindi bababa sa apat na araw, upang papasukin ang tulong at pakawalan ang 50 bihag ng mga militante sa Palestinian enclave kapalit ng 150 Palestinians na nakakulong sa Israel.

Hindi pa opisyal na inaanunsyo ang simula ng tigil-putukan at pagpapalaya ng mga bihag ng Hamas sa Oct. 7 attack nito sa Israel. Sinabi ng isang Egyptian security source na inihirit ng mediators na simulan ito ng alas-10 ng umaga ngayong Huwebes.

Iniulat naman ng Israel’s public broadcaster Kan, base sa Israeli official, na mayroong 24-hour delay sa kasunduan dahil hindi pa ito nilalagdaan ng Hamas at mediator Qatar. Inihayag ng opisyal na kumpiyansa itong maipatutupad ang kasunduan kapag napirmahan na.

“Negotiations for the release of our captives are progressing and continue all the time,” ani Israeli National Security Adviser Tzachi Hanegbi sa pahayag ng prime minister’s office.

“The start of the release will proceed according to the original agreement between the parties, and not before Friday,” wika ni Hanegbi. RNT/SA

Previous article‘BiyahEdukasyon’ program ng Lalamove umarangkada!
Next articleTINGNAN: Pagpapailaw ng Christmas tree sa Navotas