Home HOME BANNER STORY Pagpapalaya sa mga guro sa admin tasks iniatas ng DepEd

Pagpapalaya sa mga guro sa admin tasks iniatas ng DepEd

MANILA, Philippines- Ipinalabas na ng Department of Education (DepEd) ang polisiya na magpapalaya sa mga pampublikong guro mula sa iniatang sa kanilang administrative tasks.

Nauna rito, tinintahan na ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang DepEd Order No. 002 s. of 2024 na may titulong “Immediate Removal of Administrative Tasks of Public School Teachers.”

Naniniwala kasi aniya ang DepEd na ang “core of quality basic education is a vibrant and quality teaching workforce.”

Sa ilalim ng MATATAG Agenda, sinabi ni VP Sara na nananatiling committed ang departamento na paigtingin ang “delivery of quality basic education while promoting teacher quality and teacher welfare.”

Kaugnay nito, nagpalabas naman ang DepEd ng guidelines sa agarang pag-alis ng administrative tasks sa mga public school teachers.

Winika ni VP Sara na ang bagong kautusan ay “guided by agency directions to remove the non-teaching tasks of teacher to give support to teachers to teach better.”

Nakatuon din aniya ito sa “building a conducive environment for effective teaching and learning to thrive.”

Ang lahat aniya ng department orders at iba pang kaugnay na issuances, rules, regulations, at probisyon na inconsistent sa naturang guidelines ay “repealed, rescinded, or modified accordingly.”

Ipinag-utos din ni VP Sara ang “immediate dissemination of and strict compliance” ng polisiya.

Idinagdag pa ng departamento na ang bagong kautusan ay dapat agad na pairalin “upon its approval, issuance, and publication on the DepEd website.”

Ito aniya ay irerehistro sa Office of the National Administrative Register (ONAR) sa University of the Philippines Law Center (UP LC), UP Diliman, Quezon City.

Inilabas ang direktiba matapos ipresenta ni VP Sara ang kanyang second Basic Education Report (BER) nito lamang Enero 25.

Sa second Basic Education Report ni VP Sara, sinabi nito na 5,000 pa rin ang administrative personnel ang iha-hire ngayong 2024, at karagdagang pondo para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) ang  ibibigay naman sa eskwelahan para sa naturang recruitment.

“Let us bring our teachers back to the classrooms,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleSexy post ni Kathryn, wagi sa socmed!
Next articleCICC sa online sexual abuse cases sa Pinas: It’s not good