Pagpapaliban sa Tokyo Games, ‘right decision’: POC chief

Pagpapaliban sa Tokyo Games, ‘right decision’: POC chief

March 25, 2020 @ 3:31 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines — Tinawag na “right decision” ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang desisyon ng International Olympic Committee (IOC) at ni Japan Prime Minister Shinzo Abe na ipagpaliban ang Tokyo Games.

“It’s the right decision — for athletes, officials, organizers, and spectators, for our safety,” sinabi ni Tolentino.

Napagkasunduan ni Abe at ni IOC president Thomas Bach nitong Martes na ipagpaliban ang Tokyo Olympics dahil sa COVID-19. Ito ang unang beses na ipagpapaliban ang Games.

Nauna nang nagpahayag ng suporta si Tolentino tungkol sa pagpapaliban ng Games matapos manawagan ang Australia, Canada, Estados Unidos at New Zealand na i-reschedule ang naturang global sporting event.

Nilinaw ng Canada na hindi ito magpapadala ng atleta sa Tokyo kung magsisimula kagaya ng napagkasunduan ang Olympics.

“The postponement is better, because it is not a cancellation of the Games,” sabi ni Tolentino.

Isa rin itong magandang balita para sa mga atletang Filipino na kwalipikado, maging ang mga naghihintay pa uoang makabilang sa mga ito.

“May chance pa rin tayo sa medals for those who qualified, because they can train more,” saad ni Tolentino.

Mayroong 33 laro ang itatampok sa Tokyo Olympics. Remate News Team/MM

Share

Leave a Reply

Loading...