MANILA, Philippines – NAKATAKDANG bisitahin ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 14 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Northern Samar para pangunahan ang inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road (SPCR) project na pinondohan ng Korean government.
Ang nasabing event ang magiging hudyat ng pagbubukas ng 11.607 kilometrong lansangan kabilang na ang tatlong tulay na kokonekta sa bayan ng Pacific sa Northern Samar (Laoang, Catubig at Palapag).
Itatatag din ang circumferential road loop ng Samar Island.
Base sa report ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sakop ng SPCR ang konstruksyon ng 11.607 km two-lane concreete road, ang 161-linear -meter Simora (Laoang) Bridge, ang 31-linear meter Jangtud at ang 69-linear meter Jangtud 2 Bridges sa Palapag.
Bibisitahin muna ng Pangulo ang Northern Samar provincial capitol sa Catarman bago pa tumuloy sa inagurasyon ng bayan ng Palapag. Kris Jose