Home OPINION PAGPAPASOK NG AFGHANS SA PILIPINAS BANTAYAN

PAGPAPASOK NG AFGHANS SA PILIPINAS BANTAYAN

SIKRETO palang inilalakad ng United States na tanggapin ng administrasyong Marcos ang mga naiwan nilang kakamping Afghan sa Afghanistan.

Lumilitaw ito mismo sa bibig ni Senador Imee Marcos na unang naglabas ng balita ukol sa nasabing usapin.

Sa ngayon, pinalalabas ng magiting na senadora ang mga detalye ng planong ito na kung matuloy, eh, 1,500 kada buwan ang darating sa Pilipinas at sa Clark, Pampanga bibigyan ang mga ito ng mga pabahay.

Dalawang mahahalagang usapin ang tinutumbok ni Sen. Imee, mga brad.

Una, hindi tayo nakatitiyak na kapayapaan ang parating ng mga Afghan sa bansa dahil posibleng may mga makasama sa mga ito na militante na makikipag-ugnayan sa mga terorista sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa na may mga terorista.

Ikalawa, kapag hinigpitan natin ang mga Afghan, sisilipin naman tayo ng mga human righths group.

US, MGA ALYADO PUNTAHAN

Heto ang mga bansa na kalahok sa digmaang US coalition vs. Afghanistan.

Siyempre pa, una ang US at naging kasama nito ang United Kingdom, Canada, Germany, Australia, Italy, France, Poland, Denmark, Spain, Georgia, Romania, Netherlands, Turkey, Czech Republic, Sweden, Latvia, Slovakia, Norway, Estonia, Hungary, Finland, Jordan, Portugal, South Korea, Bel;gium, Bulgaria, Croatia, Lithuania, Montenegro at New Zealand.

Umabot noon sa 140,000 ang kanilang pwersa sa Afghanistan at dito namatay ang mahigit 70,000 sibilyan at mahigit 66,000 Taliban na kalaban nila.

Mahigit 3,500 ang namatay sa pwersang koalisyon at pwera ang mga nasugatan, gaya nang mahigit 20,500 Amerikano.

HINDI LANG SI IMEE

Lumilitaw na kasama ni Sen. Imee sa kaisipan ang mga taga-Department of Foreign Affairs na tumututol sa gusto ng mga Kano na patirahin sa Pinas ang nilayasan nilang Afghans.

Bakit hindi ang mga bansang US at kakampi nito sa giyera papuntahin at patirahin ang mga Afghan na ginulo nila ang buhay?

 

Previous articleISA NA NAMANG ISKANDALO
Next article28 palpak na mga empleyado kinalos, sinuspinde ng BIR