Home NATIONWIDE Pagpapataw ng SRP sa bigas nilinaw ng DA chief

Pagpapataw ng SRP sa bigas nilinaw ng DA chief

MANILA, Philippines- Binawi ng Department of Agriculture (DA) ang nauna nitong pahayag na kinokonsidera nitong magpataw ng suggested retail prices (SRPs) sa produktong bigas.

Giit ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., “DA is not doing it.”

“Prices of rice and other agricultural products in international markets like Thailand and other countries are volatile and fluctuating due to El Nino. Hence, we’re not suggesting controlling prices at the moment,” ayon kay Laurel.

Nauna rito, sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na gumagawa na ng hakbang ang Agriculture Department na may kinalaman sa SRPs sa produktong ng bigas kabilang na rito ang konsultasyon sa industry players at stakeholders.

Para bigyang-linaw, sinabi ni Laurel na mayroon “earlier proposals” para sa SRP ng bigas na “just an idea based on available remedies according to the Republic Act 7581 or the Price Act.”

Ang pahayag ng DA kaugnay sa SRP sa produktong bigas ay tugon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang rice inflation ay gumulong sa pinakamabilis na rate nito sa loob ng 14  taon, pumalo sa 19.6% noong nakaraang Disyembre.

“This is the fastest inflation print for the food staple since March 2009, when rice inflation clocked in at 22.9%,” ayon sa DA.

“I’m well aware that setting retail prices, even if just suggested, for particular goods tend to be counterproductive, especially when there is ample supply,” wika ni Laurel.

“In most cases, farmers bear the brunt of a price limit because traders will only lower their purchase prices to keep their margins. Consumers also don’t benefit in such a situation. It could also fuel price speculation and supply hoarding that evolves into another problem altogether,” dagdag niya.

Habang binigyang-kapangyarihan ng Price Act ang DA para patatagin ang presyo ng farm products at inputs, kailangan na maisaayos ang implementing rules and regulations (IRR) bago pa ikasa ng departamento ang kapangyarihan nito Gaya ng nakasaad sa batas.

Matatandaang bumuo ang DA ng isang Technical Working Group (TWG) na babalangkas ng IRR para ipatupad ang Seksyon 9 ng Price Act, na naglalayong magbigay ng “allocation of a buffer fund for the procurement, purchase, importation or stockpiling of basic necessities or prime commodities, and determine ways to distribute these items during times of shortages or if there is a need to influence market prices.”

Binigyang-diin ni Laurel na ang paglikha ng TWG ng Price Act IRR ay isang malinaw na babala para sa mga nagnanais na gamitin ang sitwasyon kung saan may kapangyarihan ang DA na habulin ang mga ito gamit ang batas.

“We will not hesitate to use the powers and remedies at our disposal to ensure that our farmers and consumers are amply protected against those who may want to exploit any supply shortage,” ayon kay Laurel.

Winika pa niya na, “DA is working double time to ensure ample supply of agricultural products, particularly rice, in the face of a potential prolonged dry spell due to El Niño, and taking steps to mitigate the weather phenomenon’s impact on local production.”

“We’re building up a buffer, largely through importation, to ensure we have ample supply of rice as we await the next harvest starting March. This should help keep prices stable without governmet intervention,” patuloy niya.

Sa ulat, pabago-bago ang international prices ng bigas habang pinipilit naman ng mga bansa na itaas ang reserba ng kanilang bigas sa pamamagitan ng importasyon sa pag-aalala ng potensyal na pagbagsak dahil sa inaasahang malakas na El Niño episode. Kris Jose

Previous articlePinas ika-73 sa world’s most powerful passport list   
Next articleGarcia: Posibleng Cha-cha plebiscite pwedeng pondohan ng karagdagang P13B pondo sa Comelec