Home NATIONWIDE Pagpapatrolya sa WPS daragdagan – NSC exec

Pagpapatrolya sa WPS daragdagan – NSC exec

MANILA, Philippines – Patataasin pa ng pamahalaan ang presensya nito sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea, ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya nitong Lunes, Pebrero 19.

Kasabay ng Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, iginiit ni Malaya na matagumpay ang pinakahuling rotation at resupply missions sa pinag-aagawang teritoryo.

“We are going to increase our presence in Bajo de Masinloc para mas maganda yung mas lumakas yung loob ng mga kababayan nating mangingisda, para mas magamit natin yung West Philippine Sea for the benefit of our country,” ani Malaya.

Ipinaliwanag ng opisyal na magpapatrolya ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para bantayan ang mga mangingisda.

“Lumalakas kasi ang loob ng ating kababayan naitn mangingisda pag nakikita nila nan nandoon ang pamahalaan,” ani Malaya. RNT/JGC

Previous articleMOA sa pagtatatag ng PESO Help Desk sa NPC, nilagdaan
Next article8.5K pulis ipakakalat sa anibersaryo ng People Power