MANILA, Philippines – Sinabi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na tututukan nila ngayon na paunlarin ang mga liblib na komunidad na dati ay kontrolado ng mga komunista.
Sa ganitong paraan umano ay maiiwasan nang magbalik ang mga ito sa naturang mga lokalidad.
Sa pahayag nitong Lunes, Mayo 15, sinabi ni NTF-ELCAC executive director Undersecretary Ernesto C. Torres Jr. na ito ang kanilang magiging roadmap sa kanilang “peace-bringing” efforts.
Binigyang-diin ni Torres ang kahalagahan ng Barangay Development Program (BDP) at Retooled Community Support Program (RCSP) bilang hakbang upang maibalik ang kapayapaan at kaunlaran sa mga lugar na dati ay apektado ng New People’s Army (NPA).
“Undersecretary Torres also assured an intensified participation from national government agencies in contributing to the BDP and RCSP,” sinabi naman ni NTF-ELCAC Secretariat Director for Strategic Communications Gerardo Zamudio.
Bahagi ito ng kampanya ng NTF-ELCAC na palawakin ang pagkakaisa, kapayapaan, at sustainable development sa bansa, sabay-sabing ito ay magsisilbing “shift from war to peace” at nalalapit nang maabot ng task force ang kanilang layuning wakasan na ang armed conflict.
Ipinagmalaki rin ni Zamudio na ang pagkakatalaga kay Vice President Sara Duterte bilang co-vice chair ng NTF-ELCAC ay mas magpapaigting pa sa kanilang misyon.
“Assistant Director General Jonathan Malaya, NTF-ELCAC StratCom Cluster head, and Undersecretary Torres explained the game-changing role of the Vice President, especially during the NTF-ELCAC’s transition to peace-bringing efforts. The Vice President is expected to provide guidance to the operation of the whole NTF-ELCAC, utilizing her experience as the former Mayor of Davao City,” aniya.
Sinabi ni Torres na si Duterte ay instrumental sa pagkakagapi ng NPA sa kanyang lungsod.
Advertisement