Home NATIONWIDE Pagpapauwi sa 27 MV Transworld Navigator OFWs pinaplantsa na

Pagpapauwi sa 27 MV Transworld Navigator OFWs pinaplantsa na

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration nitong Biyernes na pinoproseso na ang pagpapauwi sa  27 marinong sakay ng MV Transworld Navigator.

Ayon sa ulat, nakipag-ugnayan ang OWWA sa mga kaanak ng seafarers sa bagong updates at kinakailangang suporta para sa repatriates.

“Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., agad na kumilos ang DFA, DMW, at OWWA upang mabilis ang pagpapabalik sa bansa ng 27  seafarers,” ayon sa pahayag.

Kabilang ang 27 seafarers sa mga tripulanteng sakay ng MV Transworld Navigator, na inatake ng Houthi rebels noong Sabado.

Base kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, hindi napigilan ng pag-atake ng Houthis ang paglalayag ng barko at ligtas itong nakarating sa pantalan. RNT/SA