TULAD ng dapat asahan, mabilis na naisakatuparan ni Mayor Gonzalo Dale ‘Along’ Malapitan ang pangakong pagpapayaman ng mga pampublikong pasilidad sa Caloocan City.
Ang konstruksyon ng mga pasilidad sa mga barangay tulad ng health center, multi-purpose building, covered court at iba pa, ayon sa punong lungsod, ay ” aim to raise the quality of public service in the city.”
Masaksihan ng inyong Chokepoint ang tuloy-tuloy na pagtu-turn-over ng mga nasimulang proyektong pang-imprastraktura simula pa noong kongresista hanggang sa ngayong alkalde na ang batang Malapitan ay patuloy ang ginagawa niyang paglilingkod sa Caloocan.
Pangako ni Malapitan, hindi titigil ang pamahalaang lungsod sa pagpapaunlad ng mga pasilidad ng bawat barangay hanggang siya ay nanunungkulan.
Kamakailan, pinangunahan ni Mayor Along ang inagurasyon ng bagong multi-purpose hall sa Barangay 166 na isang two-storey building na may tatlong conference rooms para magamit sa gatherings, social meetings at events.
Samantala, ang binuksan na two-storey health center na makikita sa Phase 3, Barangay 176 ay may receiving area, examination room, dental room at isang dedicated wing para sa minor surgeries.
Sinabi pa ng alkalde na ang local government ay naka-focus sa improvement, pagpapayaman ng health services, lalo sa mga malalaking komunidad katulad ng Barangay 176 na may mahigit 260,000 residente.
Pinangunahan din ang blessing at opening ng bagong covered court at multi-purpose building sa naturang Barangay na gagamitin din sa social gatherings, sport events at medical missions.
Target ni Malapitan na sa lalong madaling panahon ay maisakatuparan ang konstruksiyon ng public facilities na plinano ng kanyang administrasyon sa buong Caloocan.