MANILA, Philippines – Malaking ginhawa umano sa mga mananakay kung maipapasa ang motorcycle taxi law dahil makahihikayat ito sa pagpasok ng kompanya ng motorcycle taxi na magbibigay sa mga komyuter na opsyon para sa pampublikong transportasyon.
Ito ang sinabi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng, sa kanyang statement sa joint hearing ng Senate committees on public services at local overnment sa panukalang i-regulate at gawing ligal ang motorcycles-for-hire sa bansa.
“Grab believes that a well-regulated and inclusive framework for motorcycle taxis in the Philippines can bring significant benefits,” pahayag ni Heng sa komite sa pinamumunuan ni Senadora Grace Poe.
“The sooner a motorcycle law is passed, the better for consumers, who under the current setup can only choose between three motorcycle taxi companies,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, tatlong kompanya ng motorcycle taxi na bahagi ng pilot program ang pinayagang magbiyahe sa Metro Manila sa ilalim ng provisional authority na inisyu ng Department of Transportation.
Advertisement