Home METRO Pagpaslang sa kagawad sa OrMin tinatalupan ng CHR

Pagpaslang sa kagawad sa OrMin tinatalupan ng CHR

MANILA, Philippines- Naglunsad ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng isang barangay councilor at dentistang natagpuang patay sa loob ng kanyang dental clinic sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Inihayag ng CHR na pangungunahan ng Region IV-B office nito ang imbestigasyon. Anito pa, bahagi ito ng kanilang “mandate and vigilance in the protection and promotion of the rights of every Filipino.”

“CHR is also coordinating with relevant authorities and agencies to aid in the investigation of this case to ensure that accountability is exacted from the perpetrators,” wika ng ahensya nitong Martes.

Kinilala ang biktimang si Anacorito Bolor, 63, na nagtamo ng ilang saksak sa kanyang katawan. Ayon sa mga awtoridad, nagkalat ang mga gamit ni  Bolor sa kanyang clinic, dahilan upang maghinala ang mga pulis na pagnanakaw ang motibo ng krimen.

Halos isang linggo matapos matagpuan ang bangkay ni Bolor, naaresto ng Calapan City police ang tatlong suspek– isa sa kanila ang nagbalik ng alahas na pagmamay-ari ng biktima.

Kinilala ng CHR acknowledged ang mabilis na aksyon ng kapulisan subalit nanawagan sa pamahalaan na magpatupad ng “proactive measures” upang mabawasan ang mga krimen.

“The Commission urges for concrete actions which address the root of the matter by establishing preventive mechanisms that promote the welfare of every Filipino and to finally put a stop on criminality,” patuloy nito. RNT/SA

Previous articleBong Go, tulay ng healthcare services sa mahihirap
Next articleComelec ‘nagkusa’ sa suspensyon ng pagtanggap ng signature forms para sa PI