Home NATIONWIDE Pagpasok ng mga baboy, pork products sa NegOcc nilimitahan

Pagpasok ng mga baboy, pork products sa NegOcc nilimitahan

MANILA, Philippines – Naglabas ng executive order si Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson na nagbabawal sa pagpasok ng mga baboy, boar semen at pork products sa mga lugar na may kaso ng African swine fever (ASF).

Layon ng kautusan na protektahan at hayaang makarekober ang hog industry ng probinsya.

Inilabas ang direktiba nitong Lunes, Pebrero 26.

Ipinagbabawal nito ang pagpasok ng naturang mga produkto mula sa Bacolod city, Negros Oriental, Luzon, Mindanao, Eastern Visayas, Panay Island, Guimaras Island, Cebu province, Camotes Island at Bantayan Island.

Bawal din ang pagpasok ng kaparehong mga produkto kung ang mga ito ay galing sa mga bansa na apektado ng ASF, batay sa deklarasyon ng Department of Agriculture (DA).

Hindi naman kasama sa kautusan ang processed pork products na fully cooked na katulad ng ham, sausages, hotdogs, canned goods, pork chicharon at pork-based seasonings. RNT/JGC

Previous articleJules Graeser, pasok sa Chime TV!
Next articleKelot timbog sa P122K shabu sa Las PiƱas