Home NATIONWIDE Pagpayag ng 3 gov’t agencies kailangan ng ICC bago drug war probe

Pagpayag ng 3 gov’t agencies kailangan ng ICC bago drug war probe

Kailangan muna ang pag-apruba ng mga government agencies bago magsagawa ng mga aktibidad sa bansa ang mga dayuhang entities gaya ng International Criminal Court (ICC).

Sa isang kalatas sinabi ng Department of Justice (DOJ) na kailangan munang pumayag ang kanilang kagawaran, ang Department of Foreign Affairs, at Department of the Interior and Local Government bago simulan ng ICC ang imbestigasyasyon sa naging drug war campaign ng administrasyong Duterte.

Iginiit ng DOJ na hindi obligasyon ng Pilpinas na sumunod sa ICC, sa gitna ito ng balitang nasa Pilipinas na ang ICC investigators upang imbestigahan ang war on drugs ng Duterte administration.

Paglilinaw pa ng DOJ, wala pa silang natatanggap na opisyal na impormasyon o kumpirmasyon na may presensya na ng ICC sa Pilipinas at wala pang advisory mula sa DFA kaugnay ng pagpasok sa bansa ng ICC.

Ayon sa DOJ, kailangan muna ng consent at approval mula sa Kagawaran, gayudin sa DFA at DILG, bago payagan ang sinumang dayuhan o international bodies gaya ng ICC, na magsagawa ng opisyal na aktibidad sa bansa.

Nanindigan muli ang DOJ na napatunayan na ng pamahalaan ang kakayahan nitong imbestigahan ang anumang kasong krimen na nangyari sa loob ng bansa.

Iginiit ng DOJ na hindi na kailangang pakialaman ng ibang bansa ang gobyerno dahil matatag at may ngipin naman ang justice system ng Pilipinas.

Binigyang-diin ng kagawaran na sa pag-alis mula sa ICC, ang Pilipinas ay walang legal na tungkulin na sumunod sa anumang mga obligasyon o paglilitis sa ilalim ng nasabing Konseho.

Ayon pa sa DOJ, hindi dapat mabahala ang publiko dahil gumagana ang sistema ng hustisya sa bansa at sinisikap ng pamahalaan na mapangalagaan at maprotektahab ang karapatan ng mga biktima at bawat Filipino. Teresa Tavares

Previous articlePaggunita sa Ika-125 anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas pinangunahan ni PBBM
Next articlePaggamit ng ‘pinyapel, isususulong sa Senado bilang alternatibo sa plastic