Home NATIONWIDE Pagplantsa sa seguridad ng BSKE 2023 pinaigting ng Comelec, PH Army

Pagplantsa sa seguridad ng BSKE 2023 pinaigting ng Comelec, PH Army

513
0

MANILA, Philippines- Makikipag-ugnayan ang Commission on Elections (Comelec) sa Philippine Army para palakasin ang paghahanda sa seguridad para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang bagong upong Philippine Army Commanding General na si  Lt.Gen. Roy Galido ay bumisita noong Biyernes kay  Comelec chairperson George Erwin Garcia.

“Chairman Garcia took this occasion as an opportunity, not only to touch base with one of the most hardworking AFP (Armed Forces of the Philippines) brass, but more so, to jump-start the continuing working coordination between the Comelec and the AFP, in particular, the more than a hundred thousand strong Philippine Army,” ani Laudiangco.

Kasama aniya sa kanilang tinalakay ang preparasyon para sa nalalapit na BSKE.

Sinabi ni Laudiangco na hindi na bago para sa Comelec na makipag-ugnayan kay Galido sa naturang usapin na may kaugnayan sa pambansang halalan.

“Comelec has worked with Gen. Galido in previous elections, notably the 2022 NLE (National and Local Elections) where he was then Commander, 6ID (Infantry Division), thereafter as Commander, WESMINCOM (West Mindanao Command), and now, CGPA (Commanding General of the Philippine Army),” dagdag pa niya.

Nagsisilbi ngayon si Galido bilang ika-66 na Commanding General ng pinakamalaking hukbo ng pwersang militar ng bansa.

Sinabi ni Laundiangco na ang poll body ay nakatakdang magsagawa ng command conference ngayong buwan kasama ang mga alagad ng batas.

“The command conference between the Comelec, the AFP, the PNP (Philippine National Police), and the PCG (Philippine Coast Guard) for the 2023 BSKE is scheduled on August 22, 2023,” sabi ni Laudiangco.

Tinatapos na ng Comelec ang paghahanda para sa mga botohan sa Oktubre, na mano-manong gagawin sa mahigit 42,000 barangay sa buong bansa, maliban sa tatlong pilot sites para sa automated elections sa Dasmariñas City at Quezon City District 6.

Noong Agosto 8 ay naglunsad ng mock voting ang Comelec sa dalawang Barangay sa Dasmariñas City, Cavite at Quezon City District 6 kung saan ang botohan ay automated.

Bukod sa automated polls sa mga piling lugar, nakakuha rin ang Comelec ng mga kasunduan sa SM Supermalls at Robinsons Malls para sa pilot test ng mall voting sa 10 malls sa Metro Manila, Legazpi City at Cebu City.

Nauna nang sinabi ni Garcia na ang mall voting ay naglalayon na tulungan at pagaanin ang karanasan sa pagboto ng mga mahihinang sektor, partikular ang mga matatanda, mga taong may kapansanan, at mga buntis na kababaihan, at iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCALOOCAN POLICE, AMONG BEST STATIONS IN M.M.
Next articleDefense, military relations sa Israel palalakasin ng DND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here