Home NATIONWIDE Pagsabay ng Cha-cha plebiscite at 2025 elections kakayanin ng Comelec

Pagsabay ng Cha-cha plebiscite at 2025 elections kakayanin ng Comelec

MANILA, Philippines – Kakayanin ng Commission on Elections (Comelec)  ang 2025 midterm elections at ang plebisito para sa mga panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas ng sabay-sabay.

Ginawa ni Comelec chairman George Garcia ang pahayag matapos sabihin ni Senate President Juan Mguel Zubiri na nagpahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng pagnanais na magkaroon ng Charter Change plebiscite na sabay sa midterm elections.

“Kaya po naming na isabay ang plebisito sa May 2025 eections. Wala po dagdag a gastos except that ihihingi po namin ng dagdag na allowance ang mga guro,” sinabi ni Garcia sa media Viber.

Sinabi ni Garcia na nag-design na rin ang Comelec ng saple ng balota na merong plebiscite question. Kaya rin aniya ng mga makina kung may yes o no question sa balota.

Nauna nang sinabi ni Garcia na ang Comelec ay maari lamang magsagawa ng isang Charter Change plebiscite sa unang bahagi ng 2026.

Binanggit ng Comelec ang Korte Suprema sa Occena vs Comelec case na nagbabawal sa sabay-sabay na pagsasagawa ng halalan at isang charter change plebiscite.

Gayunman, ipinunto ni Garcia na ang nasabing desisyon ay ginawa bago pa man ang 1987 Constitution at isa pa ring legal issue.

Sinabi rin ni Garcia na  basta nakasaad sa resolusyon ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan ng Kapwa Kapulungan, ang pagsasagawa ng  Comelec ng halalan at plebisito nang sabay ay magiging legal.

“Basta po nakalagay sa Resolution  of both Houses kung sakali,” sabi ni Garcia.

Higit pa rito , sinabi ni Garcia na ang Resolusyon ay dapat ding magpahiwatig ng mga probisyon na aamyendahan sa Konstitusyon.

Samantala, sinabi naman ni Comelec spokesperson John rex Laudiangco na ang simultaneous midterm elections at Cha-cha plebiscite ay hindi makakaapekto sa kanilang bagong award na kontrata para sa vote counting machines para sa 2025 midterm elections sa joint venture ng South Korean firm Miru Systems.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleKim, may bilyonaryong manliligaw!
Next articleBalance diet mas piliin vs vitamin C drip na nakasisira ng bato – DOH