Home NATIONWIDE Pagsagip sa Pinoy crew sa Ayungin inabot ng 12 oras – PCG

Pagsagip sa Pinoy crew sa Ayungin inabot ng 12 oras – PCG

MANILA, Philippines- Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela nitong Biyernes na umabot ng 12 oras ang kanilang pag-rescue sa sunadalong nasugatan sa nangyaring insidente noong Hunyo 17 sa Ayungin Shoal na kinasangkutan ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard personnel.

Ayon pa kay Tarriela, naharap sa mapanganib na maniobra at pangha-harass ang PCG mula sa China Coast guard at Chinese Navy.

Binigyang-diin ni Tarriela na ang PCG ang sumagip sa mga nasaktang personnel sa BRP Sierra Madre.

Ayon pa kay Tarriela, tanghali na nang nakuha ng mga tauhan ng PCG ang nasirang rubber hull inflatable boat (RHIB) ng Philippine military.

Idinagdaga ng opisyal na mayroon silang koordinasyon sa Tsina upang maisagawa ang medical evacuation.

Ang insidente ay binatikos ng Pentagon at ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa nasabing insidente, pitong tauhan ng Pilipinas kabilang ang isang sundalo na naputulan ng isang daliri ang sugatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden