Home HOME BANNER STORY Pagsakay ni PBBM sa chopper para manood ng concert, sinita ng solon

Pagsakay ni PBBM sa chopper para manood ng concert, sinita ng solon

MANILA, Philippines – Tinawag ng isang mambabatas na “insensitive at out-of-touch” ang desisyon ni Pangulong Marcos na sumakay ng chopper para dumalo sa “Music of the Spheres” concert ng Coldplay sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong Biyernes, Enero 19.

“Ang isang ordinaryong Pilipino ay nagtitiis ng matinding trapiko habang bumibiyahe sa pamamagitan ng jeep at iba pang abot-kayang pampublikong transportasyon. Samantala, ginagamit ng Pangulo ng bansa ang mga pondo ng nagbabayad ng buwis upang maginhawang maglakbay sakay ng helicopter upang makarating sa isang konsiyerto,” ani House Assistant Minority Leader Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas.

Sinabi rin ng babaeng mambabatas na ang katwiran ni Presidential Security Group (PSG) chief Major General Nelson Morales sa paggamit ng presidential chopper ay isang “sorry attempt to save face”.

“Ang katotohanan na si Pangulong Marcos Jr. ay kukuha ng chopper upang manood ng isang konsiyerto ay isang kumpletong pag-aaksaya ng pampublikong pondo,” giit pa ng Makabayan solon.

“Mabuti pa ang concert, sasadyain talaga ng Pangulo kahit gamitin pa ang chopper. Samantala, yung mga jeepney drivers na ilang buwan na nagwewelga, ni minsan hindi niya hinarap,” aniya pa patungkol sa public utility vehicle (PUV) ) modernization program.

Isang British rock band, ang Coldplay ay nakapagbenta ng higit sa 100 milyong mga album sa buong mundo at itinuturing na isa sa mga pinakamabentang musika sa lahat ng panahon. RNT

Previous articleBalik-June to March na pasukan tinabla ng mambabatas
Next articleTransport group muling nagpahayag ng suporta sa PUV modernization