Home HOME BANNER STORY Pagsakay ni PBBM sa presidential chopper sa concert ng Coldplay, ‘for safety...

Pagsakay ni PBBM sa presidential chopper sa concert ng Coldplay, ‘for safety reasons’

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ng Presidential Security Group ang naging hakbang nito na pasakayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa presidential chopper para dumalo sa concert ng Coldplay.

Matatandaan na nitong Biyernes, Enero 19 ay binatikos ang Pangulo ng mga netizen nang makita itong gumamit ng helicopter para magtungo sa concert, sa kabila ng matinding daloy ng trapiko na nararanasan ng mga Filipino.

Sa pahayag na inilabas nitong Sabado, Enero 20 sinabi ni PSG Commander Major General Nelson Morales na ang “unexpected influx” ng 40,000 katao sa unang araw ng Music of Spheres concert ng Coldplay ay nagresulta sa “unforeseen traffic complications.”

“Recognizing that this traffic situation posed a potential threat to the security of our President, the PSG took decisive action by opting for the presidential chopper,” ani Morales.

“[It] not only ensured the safety of our leader but also exemplified our commitment to prioritizing security in the face of unexpected challenges. Your continued understanding and support for these measures are crucial in maintaining the safety and well-being of our nation’s leadership,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, hindi nagustuhan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang paggamit ni Marcos ng presidential chopper.

Ayon kay Renato Reyes Jr., Bayan secretary general, “A president who takes a chopper to watch a concert amid terrible traffic and a mass transport crisis will not sympathize with jeepney drivers and operators who are set to lose their livelihood after January 31. This is the state of transportation in the Philippines today.” RNT/JGC

Previous article1,600 pulis ipakakalat sa Pista ng Sto. Niño sa Tondo
Next articleEmergency water interruptions inanunsyo sa Cavite, ilang bahagi ng Metro Manila