Home NATIONWIDE Pagsasabatas ng polisiya, reporma sa ilalim ng fiscal framework ipinanawagan ni PBBM

Pagsasabatas ng polisiya, reporma sa ilalim ng fiscal framework ipinanawagan ni PBBM

MANILA, Philippines – HINILING ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang pagsasabatas ng polisiya at reporma sa ilalim ng fiscal framework.

Inamin ng Pangulo na maraming bagay ang hindi niya kontrolado pagdating sa usapin ng ekonomiya.

Subalit sa mga bagay na may magagawa aniya siya ay ginagawa niya ang lahat para rito.

Sa pangalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon ay sinabi ng Pangulo na puspusan ang kanyang ginagawa upang pataasin ang produksyon ng ekonomiya ng bansa.

Pinapalago aniya nito ang mga industriya, dinadagdagan ang mga imprastraktura upang mas mapabilis ang daloy ng mga produkto at serbisyo.

Higit sa lahat aniya ay pinapalakas ang kakayahan ng mga mamamayan upang mapaganda ng mga ito ang kanilang pamumuhay.

“Ito ang puno’t dulo ng ating Philippine Development Plan.”

“Investments in public infrastructure and in the capacity of our people—through food, education, health, jobs, and social protection—remain our top priority. For this year, economic and social services were allocated almost 70 percent of the national budget. Higher revenue collections will be critical in our bid to bolster public investments,” ayon sa Pangulo.

“Under our fiscal framework, we envision our tax and revenue efforts to further increase to up to 16.9 percent and 17.3 percent by 2028. Revenue generation has improved this year,” aniya pa rin.

Mula Enero hanggang Mayo, nakapagtala ng koleksyon ang Bureau of Internal Revenue ng halagang P1.05 trillion, tumaas aniya ng 10% sa nakalipas na taon.

“For its part, the Bureau of Customs has also increased its collection by 7.4 percent for the first seven months of 2023, amounting to 476 billion pesos. Since July 2022, we have seen increased revenues from PAGCOR of 47.9 percent and from the PCSO of 20 percent,” anito. Kris Jose

Previous articleMga tagumpay at hamon ng PBBM admin, iniulat sa SONA
Next article184 volcanic earthquake naitala sa Mayon