Home NATIONWIDE Pagsasabay ng Cha-cha plebiscite sa 2025 election, tablado kay Risa; Zubiri pabor

Pagsasabay ng Cha-cha plebiscite sa 2025 election, tablado kay Risa; Zubiri pabor

MANILA, Philippines – Matinding tinabla ni Senador Risa Hontiveros ang pagsasabay ng Plebisito sa charter change sa 2025 mid-term elections na mahigpit na pinaburan naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri, kung pondo ang pag-uusapan.

Sa magkahiwalay na pahayag, unang sinabi ni Hontiveros na hindi magandang ideya na pagsabayin ang pagdaraos ng halalan sa Plebisito na hindi angkop sa ngayon sa kalagayan ng bansa.

Ayon naman kay Zubiri, malaki ang matitipid ng bansa, kabuuang P13 bilyon, kung isasabagay ang Plebisito sa mid-term election.

“I think ang pagpilit nila ng plebisito sa kanilang pekeng people’s initiative o plebisito para sa sinasabing amyenda sa economic provisions lamang ng Konstitusyon — I think it’s a bad idea,” ayon kay Hontiveros.

Naunang ipinangako ni Hontiveros na mahigpit itong kikilos upang makakuha ng pitong boto sa Senado na magbabasura sa charter change dahil lubha itong pang-traydor, impraktikal, mapanghati at hindi makatuwiran.

Kahit hindi partikular na binanggit ng senador kung bakit sinabi nitong panget na ideya ang pagsasabay ng Plebisito sa mid-term elections, iginiit namna niya ang kanyang pagtutol sa pag-aamyenda sa economic at political provisions ng Saligang Batas.

“Hindi pa nga sigurado — [Constituent Assembly] ba ang ginagawa ng Senado o ng House. Sa ngayon tutol talaga ako dyan,” aniya.

Kaugnay nito, malugod na tinanggap naman ni Zubiri ang pahayag ni COMELEC Chair George Garcia na sang-ayunan ang ahensiya na isabay ang plebiscite sa Charter Change sa2025 midterm elections.

Aniya, makatitipid ang bansa ng P13 bilyon sa magkasabay na halalan, na malaking halagang magagamit sa ibang pangangailangan para itaguyod ang kagalingan ng mamamayan.

“Katulad po ng nauna na nating sinabi, ang statement po ng COMELEC ay consistent sa kahilingan ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr. na kanyang ipinahayag sa atin nitong nakaraan lamang,” ayon kay Zubiri.

“And this strategic move not only streamlines our electoral processes but also saves valuable resources. P13 billion is a significant amount that could be allocated towards critical infrastructure projects and social programs that will benefit our nation,” giit pa ni Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na maaaring gamitin ang matitipid na pondo sa pagtatayo ng 5,200 silid-aralan, o gamitin sa pagpapaunlad ng kalagayan ng mamamayan, pagpapatayo ng agricultural development projects o infrastructure improvements sa rural areas.

“I agree with the position of the COMELEC. With limited resources and competing priorities, it is imperative that we maximize every peso spent to address the most pressing needs of our citizens, and it also aligns with the vision of the President for the country,” ayon kay Zubiri. Ernie Reyes

Previous article2 tiklo sa human trafficking
Next articleFree college education, pasisiglahin sa paglikha ng 25 bagong kampus – Escudero