Home NATIONWIDE Pagsasampa ng kaso vs cyanide fishing sa Scarborough oks kay PBBM kung..

Pagsasampa ng kaso vs cyanide fishing sa Scarborough oks kay PBBM kung..

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susuportahan niya ang paghahain ng kaso laban sa mga dayuhang mangingisda na gumamit umano ng cyanide sa Scarborough (Panatag) Shoal o Bajo de Masinloc.

“If we feel that there is enough ground to do so, we will,” pahayag ni Marcos sa isang ambush interview sa Manila.

“I do know that there are cases of cyanide fishing before, even here in the Philippines, but I think the reason it has become more alarming is that it has become more prevalent,” dagdag niya.

Nauna nang iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paggamit ng cyanide ng foreign fishermen tulad ng Chinese at Vietnamese, nanagresulta sa degradation ng Bajo de Masinloc.

Dahil dito, inanunsyo ng National Security Council (NSC) na iimbestigahan nito ang isyu at inatasan ang BFAR na kumpletuhin ang ulat nito kalakip ang mga ebidensya.

“We at the National Security Council are alarmed by this development that this is happening, but we have to be careful also, so we have to validate and investigate,” giit ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa Bagong Pilipinas Ngayon public hearing nitong Lunes.

“We will investigate this report and if validated, we can forward this to the Department of Justice [DOJ] and the Office of the Solicitor General [OSG],” patuloy niya.

Inilahad din ni Malaya na kasalukuyang pinalalakas ng DOJ at OSG ang kaso ng environmental degradation laban sa China. RNT/SA

Previous articleAguilar, Tamayo papalit sa pwesto ni Fajardo
Next articleGawilan, Angel Otom pasok sa Paris Paralympics