Home NATIONWIDE Pagsasanay sa mga gurong Pinoy pinatututukan ni PBBM

Pagsasanay sa mga gurong Pinoy pinatututukan ni PBBM

MANILA, Philippines- Sinabi ng opisyal mula sa Department of Education (DepEd) na nais ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng sapat na training programs ang mga guro sa Pilipinas.

”Napag-usapan iyong mga sa tingin ng ating Pangulo ay dapat talaga natin pagtuunan ng pansin in the coming years, so in the coming months, weeks, years ‘no. At iyon ay, number one, teaching quality,” pahayag ni DepEd Undersecretary Michael Poa sa Palace press briefing nitong Huwebes.

“Gusto niyang magkaroon talaga ng expertise iyong ating mga teachers, so he emphasized on the necessity of proper training programs for our teachers, of course, hand in hand with teacher welfare,” dagdag ni Poa.

Ayon pa sa opisyal, nais din ng Pangulo na makasabay sa teknolohiya ang mga guro sa bansa.

”That’s why ngayon, sa DepEd, mayroon naman tayo, iyong ating NEAP ‘no. Iyong National Educators Academy of the Philippines which is the training arm of DepEd pagdating sa ating mga teachers,” wika niya.

”So ang sabi ng ating Pangulo, we really need to update our teachers sa technology. We need to ensure that they have the proper training programs and they have the proper expertise para po magampanan talaga nila iyong kanilang trabaho,” patuloy ng opisyal.

Isa pa umanong nais tutukan ng Pangulo ay ang kaso ng bullying sa education sector, base kay Poa.

Aniya, kasalukuyang pinalalakas ng DepEd ang child protection committees ng mga paaralan upang maiwasan ang mga insidente ng bullying. Batay sa pinakabagong datos, binanggit ni Poa na hindi bababa sa 120 insidente ng bullying ang naresolba.

”So far, ang na-resolve natin na cases sa ating Learner Rights and Protection Office, at least iyong latest report na nakuha ko is around 120 cases na iyong na-resolve natin. But, you know, pagdating kasi sa ganitong reporting system, dalawa iyan eh – puwede kang magsabi na, yes, naka-resolve ka ng 120 cases pero we still don’t know if there is underreporting going on,” anang opisyal.

”That’s why we need to make sure that our system is accessible to everyone, even to anonymous complaints kasi maraming takot na mag-complain to make sure that people are really being encouraged to report,” dagdag niya. Kris Jose

Previous articleAplikasyon para sa 2024 Bar exams gugulong sa Lunes
Next articleSenado pinatitindig vs ‘bribed initiatives’ sa Cha-cha