Home OPINION PAGSASAPRIBADO NG NAIA OPERATIONS, MALAKI ANG MAITUTULONG SA EKONOMIYA

PAGSASAPRIBADO NG NAIA OPERATIONS, MALAKI ANG MAITUTULONG SA EKONOMIYA

NANINIWALA si DOTr o Department of Transportation Secretary Jaime Bautista na magkakaroon ng positibong resulta sa ekonomiya ng bansa ang pagsasapribado at modernisasyon ng NAIA o ng Ninoy Aquino International Airport.
Inaasahan kasi na may mga papasok na mamumuhunan dulot ng maayos na air transportation, darami ang mga maaaring bumisitang mga internatio­nal tourist na mangangahulugan ng kita sa maraming sektor, at makatutulong sa pagpasok at paglabas ng mga kalakal.
Ito ang binigyang-diin ng kalihim sa kanyang pagdalo sa ginanap na NAIA Public-Private Partnership pre-bid conference sa tanggapan ng ADB o Asian Development Bank.
Pagseseguro ni Secretary Bautista, ang privatization and modernization plan ng paliparan ay ibabase sa international standards ng ICAO o ng International Ci­vil Aviation Organization.
Ibig sabihin, aakyat sa 62 million na pasahero ang darating, may patuloy na umuunlad na technology infrastructure, at mas mahusay na airport operations. Asahan din ang pagkakaroon ng 48 air traffic movements at peak hourly rate.
Papasok ang Marcos administration sa isang 15 year concession agreement, at ang magwawaging contractor ay res­ponsable sa rehabilitasyon ng passenger terminal at airside facilities, makabagong commercial assets and utility systems, at pagkakaroon ng surface access facilities para magkaroon ng inter-modal transfer sa paliparan at inter-terminal passenger transfer facilities and services.
Ang concessionaire din ang siyang bahala sa pagdurugtong ng Metro Manila Subway station sa NAIA terminal 3 at sa kabuuang pagpapaganda ng paliparan na binabasehan ang nararapat na climate change adaptation para maseguro ang airfield resilience at ang over-all sustainability.
Kabilang din sa gagawin ang CNS system o communications, navigation and surveillance; ATS system o air traffic control; remote digital tower system; at airfield network kabilang na ang fiber upgrades, emergency equipment, at technology enhancements para mas maging episyente ang paliparan.
Ayon kay Secretary Bautista, isang landmark opportunity para sa bansa ang PPP arrangement para sa NAIA at ito ay konkretong halimbawa ng pagsusulong ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. ng isang Bagong Pilipinas.

Previous articleDayuhang nahatulan sa rape, hinarang sa NAIA
Next articleMAHIRAP MAGING PULIS SA PANAHON NGAYON