Home HOME BANNER STORY Pagsilbi sa Pinas “in a good way” gustong iwang legasiya ni PBBM

Pagsilbi sa Pinas “in a good way” gustong iwang legasiya ni PBBM

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nais niyang maalala bilang “someone” na tumutulong sa mga mahirap

Ang pagsisilbi sa publiko “in a good way” ay “best legacy.”

Sinabi ito ng Pangulo matapos itampok ang tatlong mansion sa kamakailan lamang na paglulunsad ng Malacañang Heritage Tour at ang kanyang panananw ukol sa kahalagahan ng kasaysayan.

Nang tanungin ukol sa pamana, nais nito na makilala bilang isang Philippine leader, na “Hindi natin masyado iniisip yang legasiya na yan dahil sa dami ng ating kailangang gawin ay trabaho lang muna.”

“Kapag maganda naman ang ating magagawa, yan ang magiging legasiya at hindi naman dapat isipin, ginagawa ito para maalala ako. Hindi, ginagawa natin ito para makabuti at makatulong sa ating taumbayan,” anito

“Yan ang aking legasiya, na kapag wala na ako, sana maalala ako na ‘siya’y talagang tumulong sa pangkaraniwan na taong Pilipino,” aniya pa rin

Sa kanyang vlog, inalala ni Pangulong Marcos ang kanyang kampanya noong May 2022 elections at nagpahayag na nami- missed niya ang makipag-usap sa kanyang mga supporters.

“It seemed like it was the election campaign all over again,” ayon sa Pangulo nang batiin siya ng kanyang mga supporters sa “Bahay Ugnayan” noong nakaraang linggo para sa paglulunsad ng heritage tour.

Ang Bahay Ugnayan ay nagtatampok sa “road to the Palace” ni Pangulong Marcos.

“Sinalubong tayo ng ating mga long-time supporters dahil hindi kami nag-uusap at napakagandang makita ko sila ulit dahil napakatagal na kaming nag-uusap,” anito.

“Dati ay araw-araw kaming magkasama. Siyempre kapag nandiyan na, nagsisisigaw sila, ‘BBM! BBM!’ parang nabalik tayo sa kampanya, parang sa rally,” dagdag na pahayag nito.

Ang bawat memorabilia ay may kuwento.

“Bumabalik lahat ng storya dahil alam niyo naman kapag kampanya mabilis ang galaw, hindi masyado nating iniisip ang pangyayari. Ito, nabigyan tayo ng pagkakataon na balikan ang mga memories – nakakatawa, nakakaiyak, nakakainis, nakakataba ng puso na kuwento,” aniya pa rin

Samantala, nakatakda namang magdaos ng kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa susunod na buwan ang Pangulo Kung saan ilalatag ang kanyang accomplishments sa panahon ng kanyang unang taon sa tanggapan. Kris Jose

Previous articleSubsidiya sa ASF vax sigaw ng magbababoy sa gobyerno
Next articlePH food stamp program gustong pondohan ng World Bank, ADB