Home NATIONWIDE Pagsipot sa congressional probe pinag-iisipan pa ni Quiboloy – abogado

Pagsipot sa congressional probe pinag-iisipan pa ni Quiboloy – abogado

MANILA, Philippines- Hindi pa nakapagdedesisyon ang televangelist at umano’y sex offender na si Apollo Quiboloy kung dadalo siya sa congressional probe at tatalima sa subpoenas, ayon sa kanyang abogado nitong Huwebes.

Subalit, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, na binubusisi na ng kanyang kliyente ang inialok niyang legal options.

“Wala pa naman pong pagpapasya si Pastor Quiboloy sapagka’t kaming mga abogado po ay maaari lang kaming maglahad ng legal options … ‘yung kliyente naman namin ang nagdedesisyon,” pahayag ni Topacio sa isang panayam.

“All pieces of advice are being considered seriously by Pastor Quiboloy and we shall expect a decision shortly regarding dito sa bagay na ito,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Topacio na nakikipag-ugnayan na ang kampo ni Quiboloy sa Senado at sa Kamara ukol sa pagpapatawag ng mga ito sa “Appointed Son of God” sa congressional public hearings.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senate committee on women, children, family relations and gender equality sa umano’y mga krimen ni Quiboloy at Kingdom of Jesus Chrsit (KJC). Samantala, tinatalupan din ng House committee on legislative franchises ang paglabag umano ng Sonshine Media Network International (SMNI) na konektado kay Quiboloy.

“All lines of communications are open,” dagdag ni Topacio.

Bukod sa congressional investigations, nahaharap din si Quiboloy sa ilang criminal charges sa Estados Unidos, kabilang ang conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud; coercion; conspiracy; at bulk cash Smuggling.

Kasama siya sa “most wanted” list ng FBI.

Nauna nang inihayag ng sect leader na nagtatago siya dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.

Subalit, inihayag ng Philippine National Police na wala itong natanggap na impormasyon ukol sa mga banta kay Quiboloy. RNT/SA

Previous articleDennis, boto kay Gerald; Julia, ayaw pang pag-asawahin!
Next articlePaltok Creek ininspeksyon ng MMDA