Home METRO Pagsipsip ng natitirang langis sa MT Princess matatapos sa Hunyo 19

Pagsipsip ng natitirang langis sa MT Princess matatapos sa Hunyo 19

299
0

MANILA, Philippines – Matatapos na sa Hunyo 19 ang siphoning operations na bahagi ng oil spill clean-up final stage sa Oriental Mindoro, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang paghigop ng natitirang industrial fuel oil mula sa lumubog na MT Princess Empress ay 100 porsiyentong gagawin pagkatapos ng siyam na araw, sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo.

Nauna nang sinabi ng National Task Force on Oil Spill Management noong Hunyo 1 na ang siphoning operations ay maaring tumagal ng 30 araw.

Hunyo 1 nang simulan ng Malayan Towage and Salvage Corp. gumamit ng remotely operated vehicles at ang idineploy na catch can atlh nakakolekta ng langis mula sa cargo oil tanks (COT) ng barko na lumubog sa karagatan ng Naujan noong Pebrero 28.

Iniulat na lulan ng motor tanker ang 800,000 litro ng industrial fuel oil nang makaranas ito ng angind trouble na sanhi ng paglubog.

Tinatayang 50 litro at 75 litro ng langis ang narekober mula sa COT No. 1 Starboard at COT No. 1 Port, ayon sa pagkakabanggit.

Ang halaga ng langis na nakuha mula sa COT No. 2 Starboard at COT No. 2 Port ay hindi pa matukoy.

Noong Mayo 31, humigit-kumulang 83.74 porsyento o 64.43 km. ng 79.33 km. ng mga apektadong baybayin ay nalinis na. Tanging 16.26 percent lang o 12.89 km. ang kailangang linisin.

Ang patuloy na cleanup operation ay nakakolekta ng humigit-kumulang 44,656.30 litro ng oily water mixture; at 10,708 sako, 997 drums, 119 timba, at 648 1-toner bag ng oil-contaminated sand/debris at oily waste mula sa Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas.

Noong Hunyo 2, dumating ang Dynamic Support Vessel Fire Opal sa Subic Bay Freeport Zone upang simulan ang pagkuha ng natitirang langis mula sa lumubog na sasakyang-dagat.

Kinukuha ng barko ang oily waste at inililipat ang mga ito sa isang tanker para itapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePCG bibili ng high-end drones pampalakas sa border security
Next articleMag-amigang pekeng dentista isinelda

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here