Home NATIONWIDE Pagsisikip sa ilang piitan sa Pinas abot na sa 2,700%!

Pagsisikip sa ilang piitan sa Pinas abot na sa 2,700%!

MANILA, Philippines- Lumobo na ang congestion rate sa ilang kulungan sa bansa sa 2,700%, ayon kay Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda nitong Biyernes.

“Iyong congestion ng ating jails and prisons, it is ranging on average of 376% something like that. But in some jails, umaabot ng 2,700%,” pahayag ni Miranda sa Bagong Pilipinas Ngayon interview.

Kinokonsidera ng mga awtoridad na gawing abot-kaya nag piyansa bilang parte ng pagsisikap na paluwagin ang mga piitan sa bansa, ayon sa anti-graft court official.

“Maybe we can make bail more affordable. Most of them are indigents who cannot afford bail,” aniya.

Sakaling ang kaso ay bailable at hindi seryoso, sinabi ni Miranda na dapat pagpiyansahin ang offender upang maiwasan ang pagsisikip sa detention facilities.

Bukod dito, inihayag ni Miranda na ang dapat lamang tanggapin ng prosecutors ay malalakas na kaso na may malalakas ding tiyansa ng conviction, ayon sa Department of Justice.

Nakatakdang magsagawa ang Justice Sector Coordinating Council—binubuo ng Supreme Court, Department of Justice, at ng Department of the Interior and Local Government—ng National Jail Decongestion Summit sa December 6 at 7.

Batay kay Miranda, nilalayon ng summit na pulungin ang stakeholders upang talakayin ang mga solusyon na magpapabilis sa administrasyon ng hustisya sa bansa. RNT/SA

Previous articleCatriona at Kendra, nagkita na!
Next articleRafael Consing nanumpa bilang unang Maharlika Investment Corporation chief