MANILA, Philippines- Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na ang pag-uulat ng mga insidente ng pagbili at pagbebenta ng boto ay hindi kinakailangang maging pormal na reklamo.
Ito ay sa layuning higit na bigyang kapangyarihan ang mga mamamayan.
Ayon kay Garcia, hindi kailangang under oath. Aniya, kailangan lamang isumbong ito sa komite at sila na ang bahalang mag-imbestiga at mangolekta ng ebidensya.
Binanggit ni Garcia ang bagong inilunsad na Committee on Kontra Bigay na naglalayong tiyakin ang mahusay na pagpapatupad ng lahat ng mga patakaran at alituntunin ng poll body upang masugpo ang pagbili ng boto at pagbebenta ng boto para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ( BSKE).
Ang nasabing komite ay nilikha sa pamamagitan ng Comelec Resolution No. 10946 na pinagtibay noong Agosto 30, 2023.
Sinabi ni Commissioner Ernesto Maceda na kailangan talagang i-reframe ang patakaran ng komisyon laban sa pagbili at pagbebenta ng boto.
Dahil may mga nagdududa na hindi seryoso ang Comelec sa pagsasampa ng kaso laban sa mga lumabag, sinabi ni Garcia na malugod silang sumubok.
Binanggit din ng poll chief na hindi magandang ideya na isipin na bahagi ng kultura ang akto ng pagbili ng boto at pagbebenta ng boto.
Sinabi ni Garcia na umaasa silang mareresolba ang lahat ng kaso bago ang BSKE.
Samantala, sa pagtanggal ng mga opisyal sa kanilang mga pwesto, sinabi ni Garcia na nagawa nga nilang tanggalin ang mga gobernador at alkalde sa kanilang mga pwesto.
Ang proseso ng pag-uulat ng kaso ng mga mamamayan ay pagtutulungan ng lokal na komite bawat rehiyon, lalawigan, lungsod/munisipyo, na tatawaging Regional Committee on KontraBigay (RCKB), Provincial Committee on KontraBigay (PCKB) at City/Municipal Committee on KontraBigay (C/MCKB) , ayon sa pagkakabanggit.
Maaring ipadala ng mamamayan ang kanilang reklamo kasama ang iba pang supporting evidence nang personal o sa pamamagitan ng registered mail courier o sa email address ng Comelec Law Department, Office of the Election Officer (OEO), o ang Office of the Provincial Election Supervisor (OPES).
Maari ring itawag sa Kontra Bigay Committee sa (02)8559-9947 o (02) 8567-4567 at ipadala via email sa [email protected]. Jocelyn Tabangcura-Domenden