Home NATIONWIDE Pagsusuot ng face mask sa mga pagtitipon inirekomenda ng eksperto

Pagsusuot ng face mask sa mga pagtitipon inirekomenda ng eksperto

MANILA, Philippines- Sinabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante nitong Martes na dapat ikonsidera ng publiko ang pagsusuot ng face mask samga pagtitipon ngayong Kapaskuhan upang maiwasan ang posibleng pagsirit ng coronavirus cases at influenza-like illnesses (ILI).

“Wearing face masks is more of a responsibility of people to protect themselves and others,” pahayag ni Solante sa Philippine College of Physicians Health Forum.

Ani Solante, hindi siya pabor sa pagbabawal sa publiko na magsagawa ng mga pagtitipon, indoor man o outdoor.

“Kung gusto natin protektahan natin ang sarili natin, we should wear a face mask. If may sintomas, huwag ka naman masyadong papa-expose sa mga tao para hindi ka makahawa,” giit niya.

Kahit pa umano inaasahan ang pagtaas ng COVID-19 cases ngayong holiday season, naniniwala umano siyang hindi gaanong tataas ang mga kaso kumpara sa mga nakalipas na taon.

“Expected ‘yan tataas talaga ‘yan. We have experienced that during COVID, expected na tataas ang mga kaso natin but in terms of the hospitalization rate, mukhang hindi naman siguro ganoon kataas ang mga mao-ospital,” wika ng eksperto.

“I think there are some who will get hospitalize because of pneumonia, and other respiratory infections. But I don’t see the scenario na mapupuno ang mga ospital to the point na ‘yung iba hindi na makakapasok,” dagdag ni Solante.

Bukod dito, inihayag ni Solante na handa ang mga ospital sa posibleng pagdami ng mga pasyente.

Subalit, inihayag niya na mahalagang suriin ang kahandaan ng mga komunidad sa pagpapairal ng preventive measures.

Hanggang nitong December 11, 2023, may kabuuang 4,130,311 COVID-19 cases ang naitala sa Pilipinas kung saan sumampa ang active cases sa 4,780. RNT/SA

Previous articleSame-sex couples may basbas na ng Vatican pero kasal, bawal pa rin
Next articleSpecial permits, libreng sakay pinaplantsa na ng PH gov’t para sa inaasahang PUV shortage