Home NATIONWIDE Pagsusuplay sa mga tropa sa Ayungin, ‘di kailangan ng permiso sa ibang...

Pagsusuplay sa mga tropa sa Ayungin, ‘di kailangan ng permiso sa ibang bansa – AFP

MANILA, Philippines – Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Lunes, Enero 29 na hindi kailangang humingi ng permiso ng pamahalaan ng Pilipinas sa China, o maging sa anumang bansa upang maghatid ng suplay sa mga tropa sa Ayungin Shoal.

Ang pahayag na ito ni AFP spokesperson Colonel Francel Padilla ay kasunod ng sinabi ng China Coast Guard (CCG) na gumawa ito ng “temporary special arrangements” upang makapagsuplay ang Pilipinas sa mga tropa sa BRP Sierra Madre.

“Ang AFP po regular mission po natin ‘yan,” pagbabahagi ni Padilla sa isang panayam.

“So we keep saying that we’re really going to provide the morale and welfare needs of our troops to include those from LS-57. We don’t actually need any permission from any country for us to do so,” dagdag niya.

Ayon kay Padilla, ang mga misyon ng AFP ay magpapatuloy.

Samantala, nang tanungin kung makakaapekto sa AFP ang naging pahayag ng China, sagot ni Padilla:

“Hindi po sir.”

Magpapatuloy din ang mga misyon ng AFP kahit na dumami pa ang mga barko ng CCG sa lugar.

“For sure tuloy-tuloy po. Mission po ng AFP to give our troops the required provisions that they need for their morale and welfare,” ani Padill.

Kamakailan ay nagsagawa ng airdrop mission ang AFP Western Command sa Ayungin Shoal. RNT/JGC

Previous articleSen. Tolentino humarap sa mga kagawad sa Laguna
Next articlePagtarget sa 179 RSC, NKTI renovation pinuri ni Bong Go