Home NATIONWIDE Pagsusuri ng Napolcom sa 32 police officers, ‘di pa tapos

Pagsusuri ng Napolcom sa 32 police officers, ‘di pa tapos

384
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng National Police Commission (Napolcom) na masusi nitong pinag-aaralan ang umano’y pagkakasangkot ng 32 high-ranking officers ng Philippine National Police (PNP) na hindi nakalusot sa review ng five-man advisory group.

“We are still waiting doon sa response at update ng Napolcom,” pahayag ni PNP spokesperson PCol Jean Fajardo sa press briefing nitong Lunes. “We have to understand nasa Napolcom na yung bola with respect doon sa further evaluation and investigation dito sa 32 PNP personnel and antayin natin. Ang sabi ng DILG it will take at least two to three weeks bago sila makapagbigay sa atin ng update.”

Matatandaan na inilabas ng Napolcom ang initial findings sa imbestigasyon ng five-man panel.

Inirekomenda ng panel, sa pamumuno ni dating PNP Chief Rodolfo Azurin, na tanggapin ang courtesy resignations dalawang generals at dalawang colonels, at pagsasampa ng criminal at administrative charges laban sa kanila.

Samantala, 917 opisyal ang nakalusot sa pagsusuri ng panel.

Base kay Fajardo, maaari nang i-promote ang nasabing senior officers, na naantala dahil sa review process. RNT/SA

Previous articleHalos 96% ng SIM owners, rehistrado na – DICT
Next articleDBM: PH gov’t naglaan ng P138.77B para sa higher education programs

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here