MANILA, Philippines – Kapansin-pansin para sa grupo ng mga pribadong ospital ang tuloy-tuloy na pagtaas sa dami ng mga pasyenteng dinala sa mga ospital dahil sa COVID-19.
“We have noticed for the past few days a gradual steady, although not abrupt increase, and hopefully does not translate into full occupancy,” pahayag ni Dr. Jose de Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI), sa panayam ng CNN Philippines.
Ayon kay De Grano, ang COVID-19 bed occupancy rates sa ilang ospital ay lumampas na sa 20% at 50%.
Ilan sa mga rehiyon na may pinakamataas na lebel ng admissions ay ang National Capital Region, Western Visayas, at Davao Region.
Advertisement