Home NATIONWIDE Pagtaas sa COVID admissions, kapansin-pansin – grupo

Pagtaas sa COVID admissions, kapansin-pansin – grupo

MANILA, Philippines – Kapansin-pansin para sa grupo ng mga pribadong ospital ang tuloy-tuloy na pagtaas sa dami ng mga pasyenteng dinala sa mga ospital dahil sa COVID-19.

“We have noticed for the past few days a gradual steady, although not abrupt increase, and hopefully does not translate into full occupancy,” pahayag ni Dr. Jose de Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI), sa panayam ng CNN Philippines.

Ayon kay De Grano, ang COVID-19 bed occupancy rates sa ilang ospital ay lumampas na sa 20% at 50%.

Ilan sa mga rehiyon na may pinakamataas na lebel ng admissions ay ang National Capital Region, Western Visayas, at Davao Region.

Sa kabila ng tumataas na trend sa kaso ng COVID-19, siniguro naman ni De Grano sa publiko na sapat ang suplay ng mga ospital para tumugon sa mga kaso nito.

Bagama’t hinihikayat din na manatili na lamang sa bahay ang mga pasyenteng may COVID, handa rin naman na tumanggap ang mga ospital ng mga pasyente lalo na kung may comorbidities ang mga ito.

Ayon sa OCTA Research, ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ay tumaas sa 25.9% hanggang nitong Mayo 16 mula sa 24.2% noong Mayo 9. RNT/JGC

Previous articlePagpapalakas ng halal industry sa Pinas, suportado ni VP Sara
Next articleNew Caledonia, nilindol; tsunami warning itinaas sa mga bansa sa South Pacific

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here