Home NATIONWIDE Pagtaas sa foreign tourist arrivals bumagal – BI

Pagtaas sa foreign tourist arrivals bumagal – BI

70
0

MANILA, Philippines – Makalipas ang dagsa ng mga dayuhang turista sa bansa noong Pasko at Bagong Taon, bumagal naman ang naitatalang tourist arrivals sa bansa sa kasalukuyan.

Ito ang sinabi ng Bureau of Immigration nitong Lunes, Pebrero 6 kung saan inaasahan na sa darating na summer season ulit ito muling tataas.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, ang regular daily arrivals sa ngayon ay nasa 30,000 turista.

“Medyo nagpa-plateau na ito mula noong peak season noong January,” pagbabahagi ni Sandoval sa public briefing.

“But we are expecting na tataas ito muli as the summer season creeps in, pagdating po ng summer season, unti-unti na naman iyang tataas,” paliwanag niya.

Sa Christmas weekend noong Disyembre 2022, nakapagtala ang BI ng 62,000 na mga dumating sa bansa, kung saan 32,000 ang naitala Bisperas habang 28,968 arrivals ang naitala sa mismong araw ng Pasko.

Mula Pebrero hanggang Disyembre 2022 naman, kabuuang 2.6 milyon na dayuhang turista ang bumisita sa Pilipinas kasunod ng muling pagbubukas ng borders ng bansa, batay sa ulat ng Department of Tourism (DOT).

Ngayong taon, umaasa ang DOT ng nasa 4.8 milyong tourist arrivals. RNT/JGC

Previous articlePBBM, may paalala sa militar
Next articleIpinatayong NKTI ni Marcos Sr. malaking kapakinabangan! – PBBM