Home NATIONWIDE Pagtaas sa respiratory illnesses, dahil sa maayos na monitoring – DOH

Pagtaas sa respiratory illnesses, dahil sa maayos na monitoring – DOH

MANILA, Philippines – Ang biglaang pagtaas ng mga kaso ng respiratory illnesses o respiratory influenza-like illness (ILI) ay dahil sa mas malakas na monitoring at surveillance ng gobyerno sa sektor ng kalusugan matapos ang COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Health.

Sinabi ni DOH Assistant Secretary for Public Health Services Mylene Beltran, sa public inquiry ng Senate Committee on Health and Demography, na ang pagsirit ng Kasi ay kahalintulad sa trends na naitala ng Department of Health sa nakaraang panahon sa buong mundo.

Dagdag pa, binanggit ni Beltran ang pag-aalis ng mga paghihigpit sa kalusugan at ang pagdami ng populasyon at mobility bilang dahilan.

Ayon kay Beltran, bagamat boluntaryo, hinikayat ng DOH ang lahat na magsuot ng face mask.

Sinabi naman ni DOH Epidemiology Bureau Chief Dr. Alethea de Guzman na ang influenza, COVID-19, o maging ang walking pneumonia ay halos pareho ang sintomas.

Binigyang diin naman ni Dr. Razel Nikka Hao, chief of DOH’s Disease Prevention and Control Bureau, ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards.

Bukod sa flu at pneumonia, nagbibigay din ang DOH ng influenza at pneumococcal vaccines, lalo na para sa indigent elderlies.

Ang panel na pinamumunuan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ay nagsagawa ng pagtatanong sa usapin bilang tugon sa resolusyon na inihain ni Senate Majority Leader Joel Villanueva upang tingnan ang kahandaan ng gobyerno sa napaulat na pandaigdigang pagtaas ng respiratory illnesses.

Ayon sa senador, iniulat ang Chinese National Health Commission ang pagtaas ng respiratory diseases noong nakaraang buwan.

Sinabi niya na ang Europa at Hilagang Amerika ay nag-ulat din ng pagtaas ng respiratory incidence. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleInclusive energy transition kailangang madaliin
Next article3 sugatan sa pananaksak sa Malabon