Home METRO Pagtakas ng 3 inmates walang katotohanan – SPD

Pagtakas ng 3 inmates walang katotohanan – SPD

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Southern Police District (SPD) nitong Miyerkules, Pebrero 21, ang kumakalat na text message at audio recording na may tumakas umanong tatlong inmate mula sa detention facilities sa hurisdiksyon nito.

“The actions taken by our intelligence operatives include checks with the SOCO (Scene of the Crime Operations) Team Makati, Guadalupe Nuevo Sub Station, the Bureau of Jail Management and Penology Makati City, and La Paz Custodial Facility. All reports indicate that there have been no incidents of a prison break, and all detainees are accounted for,” saad sa pahayag ng SPD.

Sa naturang post, inalerto ang mga residente ng Guadalupe sa Makati at mga barangay ng EMBO sa Taguig tungkol sa mga tumakas na inmates na nahaharap sa kasong rape, homicide, at murder.

Hinimok ng SPD ang publiko na manatiling alerto at huwag basta-basta magbabahagi ng impormasyon na hindi totoo.

“Rest assured, our officers are actively monitoring the situation, and any updates or developments will be communicated promptly,” ayon pa sa SPD.

“We appreciate the cooperation of the community in sharing information responsibly and encourage everyone to refrain from spreading unverified information that may cause unnecessary panic. SPD remains dedicated to maintaining public trust and providing accurate and timely information to the residents we serve,” dagdag niya. RNT/JGC

Previous articleOlympic spot abot-kamay na ni Emma Malabuyo
Next articlePH nahaharap sa international sports ban