Home HOME BANNER STORY Pagtalaga kay Recto bilang DOF chief, pinuri sa Senado

Pagtalaga kay Recto bilang DOF chief, pinuri sa Senado

MANILA, Philippines – Hindi lamang makalulusot kaagad sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA), kundi susuportahan ang gawain ni bagong Finance Secretary Ralph Recto sa usapin ng pananalapi ng bansa, ayon sa ilang dating kasamahan sa Senado.

Unang nagpahatid ng kagalakan sa pagkakatalaga kay Recto si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagsasabing “buong puso nitong tinatangggap ang pagkakatalaga sa kanyang dear friend.”

“In the Senate, we always regarded him as the resident numbers genius. This was not just for his mathematical ability, but more importantly for his ability to immediately see the big picture implications of these numbers,” ayon kay Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na nauunawaan at naintindihan ni Recto upang paano punan ang puwang sa pagitan ng abstractions of mathematics at kongkretong reyalidad na kinahaharap ng bansa.

“So I have no doubt that he will be a good Finance Secretary, who will continue to push the country along on the road to greater economic prosperity,” aniya.

Ayon naman kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, mahusay ang pagkakatalaga kay Recto dahil bukod sa nagsilbi ito sa Senado at Mababang Kapulungan bilang kinatawan ng Batangas, nagsilbi rin ang dating senador bilang National Economic Development Authority (NEDA).

“Recto is an able and capable addition to President Marcos’ Cabinet.”

Nakakatitiyak si Escudero na bilang finance chief, maipagpapatuloy ni Recto ang pagpapaangat sa ekonomiya alinsunod sa kasalukuyang nakamit ng bansa.

“I wish him well and would like to express my support not only in the CA (Commission on Appointments) but in his endeavors as the new SOF (secretary of finance),” ayon kay Escudero.

Naniniwala naman si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, na pawang “well-deserved appointment.”

“(It’s a) well deserved appointment and I commiserate with Sec. Recto on his assumption to a difficult job at a very turbulent moment,” ayon kay Pimentel.

Dulot nang magkasama sa Senado, sinabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, na kanyang pinatitindigan ang “political acumen and sterling intellectual abilities” ni Recto.

“His knowledge of the political and fiscal structures of the country will serve us well in the future. We wish him well,” ani Angara.

Ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian na mahalaga ang pagkakatalaga kay Recto sa economic team ng administrasyon dahil malawak at malalim ang karanasan nito sa pananalapi at patakaran sa ekonomiya.

“And I am confident in his ability to drive initiatives that will efficiently implement reforms in the country’s tax system,” ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Ways and Means.

“Our panel is looking forward to working collaboratively with him to realize our shared objectives and foster a more robust, prosperous future for our nation,” giit niya.

Kasabay nito, pinapurihan din ni Senador Grace Poe ang pagkakatalaga kay Recto na malaki ang maitutulong upang isulong ang progresibong landas ng bansa patungo sa kaunlaran.

“We don’t only have an assertive and bold Batangueno at the helm of the DOF, but a seasoned lawmaker and economist who can steer our financial state to a progressive path,” ayon kay Poe.

“I am certain Sec. Recto will use his competence, compassion, hard work and brilliance to better the lives of the people,” dagdag ng senador. Ernie Reyes

Previous articleBenz Sangalang, sinabing ‘wawasakin’ ang kapareha!
Next article‘Non-regional’ nations walang karapatang makialam sa PH-China issue sa WPS – Chinese exec